Ang Rutgers IFH ay Nagbabahagi ng Impormasyon Tungkol sa COVID-19 sa Iba’t- ibang Lengwahe para sa Iba’t- ibang Populasyon sa New Jersey


IFH Translates Graphic
Ang Rutgers IFH ay Nagbabahagi ng Impormasyon Tungkol sa COVID-19 sa Iba’t- ibang Lengwahe para sa Iba’t- ibang Populasyon sa New Jersey
Ang Rutgers Institute for Health, Health Care Policy and Aging Research naglunsad ng kampanya sa social media upang magbahagi ng impormasyon tungkol sa COVID-19 sa iba’t- ibang minorya at imigrante na ninirahan sa New Jersey

Aniya ni Direktor XinQi Doing, ‘Ang Institute for Health ay lubos na nagagalak dahil natugunan nito ang pampublikong krisis sa kalusugan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng panlipunang hustisya sa pamamaraan na ang lahat ng komyunidad ay may akses sa mga importanteng impormasyon’.

Habang apektado ang lahat ng tao sa buong mundo sa kasalukuyang pandemya, mas malala ang epekto nito sa mga minorya at imigrante na ang pangunahing lengwahe ay iba sa Ingles. Ayon sa datos ng U.S Census , 31 porsyento ng mga residente sa New Jersey ay may ibang lengwahe maliban sa Ingles

Ang mga napapanahong balita mula sa opisyal na website ng New Jersey COVID-19 at mga mensahe ni Gobernador Phil Murphy ay itina-translate sa siyam na lengwahe kasama ang Hindi, Urdu, Korean, Tagalog at Spanish. Ang mga ito ay ginagawa ng mga Research Assistants sa Twitter na gumagamit ng hashtags upang masundan ito ng iba’t ibang tao.

Madalas na nakikipag-ugnayan ang mga research assistants sa mga minoryang komyunidad upang mai-translate ang mga importanteng impormasyon sa mga lengwaheng nabanggit bilang parte ng mga kasalukuyang proyekto ng institusyon.

Sa lumipas na mga nakaraang lingo, ang mga translations na ito ay nakarating sa libo-libong gumagamit ng twitter. Ito ang naging daan upang mabigyang pansin ito ng opisina ng gobernador at ng iba pang mga organisasyon sa ating estado na nagsisilbi sa mga minoryang komyunidad. Ang orihinal na tweet tungkol sa kampanya ng translation ay umabot na sa mahigit 50,000 na impressions at nakatanggap ng mahigit 1,000 engagements. Ito ay nagbigay daan upang dumami ang followers at traffic sa mga account ng Institusyon.

Ang kampanya na ito ay patuloy na lumalaki at masugid na naghahanap ng mga boluntaryo na bihasa sa ibang lengwahe maliban sa Ingles tulad ng Vietnamese, Portuguese, Russian at Polish.

Maaring makita ang kampanyang ito sa pamamagitan ng hashtag na #IFHTranslates at pagsunod sa mga sumusunod na account at hashtags:

Tagalog: @wikaNiGrasya o #NJCovidInfoTagalog

Para sa karagdagang impormsayong kung paano lumahok sa kampanya, mag-email sa fabdi@ifh.rutgers.edu.